Sa Kalumpit, May Malasakit

"I'm proud to be a Kalumpitenyo."

 

 ALAM NYO BA?

 

...kung kailan at papaano nagsimula ang Internet? Personally, very significant sa akin ang year nang maimbento ito, find out more by following this link.

...na ang Calumpit ang kapital ng Alcaldia de Calonpite (o Alcaldia de Calumpit), isa sa apat (4) na Alcaldias na bumubuo ng encomiendas ng Provincia de Pampanga. Ang 3 iba pang Alcaldias ay ang Alcaldia de Bitis y Lubao, Alcaldia de Candava at Alcaldia de Bulacan. Ito ay nasasaad sa Relacion de Encomiendas en las Islas Filipinas, ang sinasabing unang talaan o census report tungkol sa Pilipinas na sinulat ni Governor Gomez Perez de Dasmarinas noong taong 1591. Click here to find out more about this report.  

...na sa Calumpit sinilang ang Kristianismo sa Bulakan, sa pamamagitan ng misyonaryong Agostino na si Fr. Diego Vivar Ordoņez. Natagpuan nila ang lugar na ito noong taong 1572, at doon sa ilog pampang sa barangay Meyto sila unang dumaong, dala ang isang krus. Nagtatag sila ng pamahalaan at si Marcos de Arce ang unang Alcalde Mayor. Read more. To find out more about the province, click here.

 

... na si Norbert Torres, isang kabataang Kalumpitenyo na naka-base sa Toronto, Canada ay miembro ng 2008 RP Youth basketball team na lalahok sa Southeast Asian Basketball (SEAB) Championship (Junior Men) sa Mayo 1. Si Norbert ay anak ni Cirilo "Liloy" Torres ng Poblacion at pamangkin ng matalik kong kaibigan na si Florencio "Gordo" Torres. Siya ay may taas na 6'5" at naglalaro bilang sentro sa Mother Teresa High School basketball team sa Toronto. Click here for the latest news about Norbert and here to see him in action.

... na maipagmamalaki nating mga Kalumpitenyo ang ating mga kababayang pumalaot at nagtagumpay sa daigdig ng pelikula, radyo at telebisyon tulad nina Barr Samson (nakilala bilang Itik-itik at isang batikang radio announcer) ng Barangay Corazon, ang magkapatid na aktor na sina Albert at William Martinez (ang kanilang amang si Bert Martinez, dating movie actor noong 60's ay taga-Poblacion, si Chiqui Hollmann na anak ni Charles Hollmann ng Barangay San Jose, si Tommy Angeles (ng Home Along Da Riles) ng Barangay Caniogan, at si Long Mejia (dating mainstay ng "Kool ka lang" sa Channel 7) ng Barangay Pungo.

 

...na si Laguna Provincial Gov. Teresita Santiago-Lazaro ay tubong Calumpit. Si Gov. Lazaro ay ipinanganak sa Barangay San Jose noong Nobyembre 18, 1942 at nagtapos ng elementarya sa San Jose Elementary School. Siya ay dating guro ng Cabuyao at Calamba Elementary School noong 1964-1974. Una siyang napalaot sa pulitika noong 1986 nang mahalal siya bilang Konsehal ng Sangguniang Bayan ng Calamba noong 1986-1988 at naupo bilang Bise-Alkalde noong 1988-1992. Dahil sa mahusay niyang paglilingkod sa bayan, nahalal siya bilang Bokal ng lalawigan ng Laguna noong 1992 at naupong Bise-Gobernador mula Disyembre 1992 hanggang Pebrero 2001...read more about Gov. Lazaro by clicking here and visit Laguna's provincial website at http://www.laguna.gov.ph/

...na ang founder ng Congregation of the Augustinian Recollect Sisters (dating Beaterio de San Sebastian) na sina Mother Dionisia Mitas Talangpaz (1691-1732) at Mother Cecilia Rosa Talangpaz (1693-1731) ay tubong Kalumpit. Sila'y mga anak nina  Don Andres Talangpaz at Donya Isabel Pamintuan ng Barrio San Miguel. Kasalukuyang inaayos sa Vatican ang kanilang beatificacion, kaya manalangin po tayo sa kanilang mga pahiwatig at nawa'y maipagkaloob na sa kanila ang daan patungo sa pagiging tunay na mga banal na lingkod ng Diyos. Read more...

Nandito po ang ilang sulyap sa buhay nina Mother Dionisia at Mother Cecilia Rosa na hango po ng SKMM sa librong pinamagatang "The Word in other words" - Bible Diary? na nilimbag ng Logos Publications, Inc. Manila. Pls. click here. At nandito po ang sipi ng panalangin para sa kanilang beatification.

 

..na si Felicidad G. Perena, ng Caniogan, ay isang batikang manunulat na maipagmamalaki nating mga taga-Calumpit. Si Felicidad ay regular na kontributor sa mga tanyag na dyaryong nasyonal. Felicidad's TV reviews of "Still Standing" and "Joey" (spin-off of the decade-long sitcom "Friends"), were featured in Ricky Lo's Funfare section of Philippine Star last year. Felicidad now teaches at the University of Santo Tomas in the Faculty of Arts & Letters where she graduated in 1978 on top of her class as magna cum laude and was the Editor-in-Chief of U.S.T's official student publication, The Varsitarian.

 

..na si Valeriano "Val" P. Galang ng Caniogan ay tumanggap ng "Gawad: Dangal ng Bayan" ("Outstanding Public Officials of the Year") noong taong 1999 mula sa ating pamahalaan, ang pinakamataas na karangalang iginagawad sa mga kawani ng ating pamahalaan, dahilan sa pagsusumikap niyang masugpo ang katiwalian sa Bureau of Customs, bilang isang Customs Inspector. Kasama ni Val sa larawan si dating Pangulong Cory nang tanggapin niya ang "Gawad-Lipi" at si Gov. Josie at late Sen. Blas Ople nang tanggapin naman niya ang katumbas na karangalan mula sa ating pamahalaang panlalawigan noong taong 2000 na tinagurian namang Gawad Dangal ng Lipi. (Note: click the left-hand side of your mouse and drag it down when you're on the "Gawad Dangal ng Lipi" page to view the text as it is hidden due to font color).

 

..na ang Provincial Administrator ng Bulacan, na si Ms. Gladys Cruz-Sta. Rita ay tubong Calumpit? Anak siya ni G. at Gng. Herman Cruz ng Barangay Corazon.

 

..na ang Asia's Songbird na si Ms. Regine Velasquez, ay nag-umpisa sa pagsali-sali sa mga amateur singing contests sa iba't ibang bayan at lalawigan sa Pilipinas, at tinanghal na kampeon sa grandfinals ng singing contest sa fiesta ng Calumpit ng dalawang beses.

 

..na noong araw ang bayan ng Hagonoy ay isa lamang baryo sa Calumpit ... read more

 

..na ang manunulat at makatang si Dra. Anacleta Villacorta-Agoncillo ay tubong Caniogan (kung matatandaan nyo yung magandang bahay pahingahan sa Caniogan na malapit sa hangganan ng Sucol, ito ay pag-aari ng mga Villacorta). Ipinanganak si Dra. Villacorta-Agoncillo sa Caniogan, Calumpit, Bulacan nuong ika-12 ng Setyembre, 1913. Ang kanyang ina ay si Vicenta V. Torres na taga Calumpit, Bulacan at .... read more

 

..na dating sakop ng Calumpit ang parokya ng San Pedro sa Apalit ... read more

 

..kung papaano pinagtapos ng pag-aaral si dating Gov. Obet ng kanyang mga magulang ... read more

 

..ang papuntang Kalumpit? Para sa mga kaibigan nating di pa napasyal sa makasaysayang bayang ito ng Bulacan, heto po ang daan patungong Calumpit mula sa Manila.

 

28/8/05Dito sa "ALAM NYO BA?" ay maglalathala tayo ng mga bagay-bagay tungkol sa Calumpit at sa mga kababayan nating nagkapangalan sa iba't ibang larangan, sa pulitika, sining, palakasan, atbp.

 


 

Interesting Facts about Calumpit

 

In Carlos P. Romulo's "I am a Filipino", he wrote: "In my blood runs the immortal seed of heroes...seed that flowered down the centuries...the self-same seed that flowered in the heart of Jose Rizal that morning in Bagumbayan...in the hearts of Bonifacio in Balintawak, of Gregorio del Pilar at Tirad Pass, of Antonio Luna at Calumpit...read more and you'll also proudly say "I am a Filipino".

 

 General MacArthur moved towards Kalumpit, Bulacan, where General Luna was waiting for him...read more about this historical event. 

 

 Calumpit, Bulacan, discovered in 1572. The St. John the Baptist Church is the oldest church in Bulacan. Constructed under the supervision of Augustinian priest Diego Vivar - Ordonez ...more

 

Calumpit.. boasts of the cleanest living river in Bulacan province ...more

 

It may not be as exciting as the boat races of the Boston River in Massachusetts. Nor would it even pare to the more established rowing competition at the Thames of London or the relays at the Hudson River in New York. But at the mouth of Calumpit River in Bulacan ...more

 

Built in 1575; it has a built-in tunnel where revolutionaries and Spaniards were buried during the war... more

 

 General Lawton and Major Howard at Calumpit ..view photo... more

 

Bagbag Bridge, site of the longest battle between the Americans and Filipinos led by Gen. Gregorio del Pilar which took place on April 25, 1899...more

 

Click here for more interesting facts about Calumpit